|
||||||||
|
||
Pinabulaanan kahapon ni Hong Lei, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pakikipag-ugnayan ng mga opisyal Tsino sa tagapayo ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon na si Isao Iijima sa pagdalaw ng huli sa Tsina.
Ayon sa media ng Hapon, dumalaw ng Beijing si Iijima, tagapayo ng Sekretaryat ng Gabinete ng Hapon, mula ika-13 hanggang ika-16 ng buwang ito. Nakipagkoordina di-umano siya sa mga opisyal Tsino hinggil sa posibilidad ng pagtatagpo ng mga lider ng Tsina't Hapon.
Kaugnay nito, sinabi ni Tagapagsalita Hong na kumuha kamakailan si Iijima ng bisa papuntang Tsina, pero, wala siyang naging opisyal na aktibidad nang dumalaw sa Tsina.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |