Sa isang seminar na idinaos kamakailan ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) hinggil sa estratehiyang pandagat, sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng Tsina, na dapat pasulungin ang walang humpay na pagtatamo ng tagumpay sa pagtatayo ng isang Tsinang may malakas na kakayahang pandagat.
Tinukoy ni Xi, na ang pagtatayo ng isang Tsinang may malakas na kakayahang pandagat ay nagtatampok sa paggagalugad ng yamang-dagat, at pangangalaga sa kapaligiran ng dagat. Aniya, dapat pasulungin ang usaping ito sa pamamagitan ng kapayapaan, kaunlaran, pagtutulungan, at win-win situation.
Binigyang-diin din niyang ibig ng Tsina ang kapayapaan, at iginigiit ang mapayapang pag-unlad, pero hinding-hindi nito itatakwil ang mga lehitimong kapakanan, at isasakripisyo ang nukleong interes ng bansa. Aniya, dapat igiit ng Tsina ang paglutas sa mga hidwaan sa dagat sa pamamagitan ng mapayapang paraan at talastasan; kasabay ng buong sikap na pangangalaga sa kapayapaan at katatagan. Dagdag pa ni Xi, dapat pasulungin ng Tsina, kasama ng mga may-kinalamang bansa, ang mapagkaibigang kooperasyong pandagat, na may mutuwal na kapakinabangan, at hanapin at palawakin ang batayan ng komong interes sa isyung pandagat.
Salin: Liu Kai