|
||||||||
|
||
Sa magkahiwalay na okasyon sa Hanoi, nakipagtagpo kahapon sina Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Biyetnam at Nguyen Tan Dung , Punong Ministro ng Biyetnam kay Wang Yi, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Tsina.
Ipinahayag ni Nguyen Phu Trong na priyoridad ng diplomasya ng Biyetnam ang pagpapasulong ng komprehensibong estratehikong partnership na pangkooperasyon ng Tsina't Biyetnam.
Aniya pa, dapat sundin ng dalawang panig ang direksyon na itinakda ng mga lider ng dalawang bansa at dalawang Partido at dapat ding patingkarin ang papel ng Komiteng Tagapatnubay sa Bilateral na Kooperasyon (Bilateral Cooperation Steering Committee) para mapasulong ang kanilang pragmatikong pagtutulungan sa iba't ibang larangan. Binigyang-diin din ni Nguyen Phu Trong na dapat ipatupad ng dalawang panig ang mga narating na kasunduan hinggil sa paglutas sa mga isyung pandagat.
Ipinahayag naman ng Ministrong Panlabas na Tsino na nagkakaroon ang Tsina at Biyetnam ng magkakaparehong estratehikong target at kapakanan. Isinasabalikat din aniya ng dalawang bansa ang misyon ng pagsasakatuparan ng pambansang kaunlaran sa pamamagitan ng pagtahak sa landas na sosyalista, kaya, dapat palakasin ng dalawang panig ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan. Tinukoy rin ng Ministrong Panlabas na Tsino na kasabay ng pagpapalawak ng Tsina't Biyetnam ng kanilang mga pragmatikong kooperasyong panlupa, dapat ding hanapin ang kalutasan sa magkaibang posisyon sa usaping pandagat.
Sa kanyang pakikipagtagpo sa Ministrong Panlabas na Tsino, ipinahayag ni Punong Ministro Nguyen Tan Dung ng Biyetnam ang pasasalamat sa tulong at suporta na matagal nang ibinibigay ng Tsina sa kanyang bansa. Aniya pa, estratehikong pagpili ng Biyetnam ang pagpapalalim ng relasyong Sino-Vietnamese. Bilang tugon, ipinahayag naman ni Ministro Wang na dapat tumpak na lutasin ng dalawang bansa ang kanilang pagkakaiba at pasulungin ang kanilang pagtutulungang panlupa at pandagat.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |