|
||||||||
|
||
Ang taong ito ay ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, at ika-10 anibersaryo rin ng CAExpo. Ayon pa sa ulat, sa kasalukuyan, maalwan ang iba't ibang gawain ng paghahanda hinggil sa CAExpo. Ang Pilipinas ay Country of Honor ng CAExpo sa taong ito.
Nitong 10 taong nakalipas, pinatitingkad ng CAExpo ang mahalagang papel sa kooperasyon ng Tsina at ASEAN. Itinatag ng CAExpo ang mekanismo ng "magkakasamang pagdaraos ng CAExpo ng 11 bansa" na nagpakita ng komong kapakanan, target at pangangailangan ng 11 bansa. Ang CAExpo ay mahalagang plataporma ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa pulitika, kabuhayan, kalakalan, kultura at iba pang larangan. Lumikha ito ng bagong modelo ng komprehensibong kooperasyon ng Tsina at ASEAN.
Ipinahayag ni Gao Hucheng, Puno ng Lupong Pang-organisasyon ng CAExpo at Ministro ng Komersyo ng Tsina na nitong 10 taong nakalipas, walang humpay na pinapalakas ang pagtitiwalaang pulitikal ng Tsina at ASEAN, mabilis na pinapaunlad ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig, at ito ay naghahatid ng benepisyo sa mga bahay-kalakal at mamamayan ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Isinalaysay ni Zhang Xiaojie, Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryo ng CAExpo at Pangalawang Puno ng Rehiyong Autonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, na sa ika-10 CAExpo, lubos na ipapakita ang maraming bunga na natamo ng Tsina at ASEAN noong nakaraang 10 taon, at ihaharap ang bagong target sa harap ng pag-unlad ng dalawang panig sa kinabukasan.
Bukod dito, sa panahon ng ika-10 CAExpo, idaraos ang sereye ng mga aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-10 anibersaryo. Isinalaysay rin ni Zhang na isasagawa ang inobasyon sa porma at nilalaman sa Ika-10 CAExpo, at palalawakin ang saklaw ng kooperasyon, para mas mabuting patingkarin ang papel ng CAExpo bilang plataporma ng kooperasyon at pagpapalitan, at pasulungin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at ASEAN sa iba't ibang larangan at antas.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |