|
||||||||
|
||
Apartment kung saan naganap ang pamamaslang
Napatay kamakalawa sa Kabul, Afghanistan, ang tatlong mamamayang Tsino. Samantalang nawawala ang dalawa nilang kasamahan.
Naganap ang pamamaslang sa apartment ng mga biktima, at in-iimbestigahan ito ngayon ng panig pulisya ng Afghanistan.
Nakipag-ugnayan na ang Embahada ng Tsina sa Afghanistan sa mga may kinalamang departamento ng bansang ito kaugnay ng naturang kaso. Hiniling ng embahada sa panig Afghani na hanapin ang mga nawawalang Tsino, iharap sa batas sa lalong madaling panahon ang maykagagawan, at isagawa ang tumpak na hakbangin para maigarantiya ang kaligtasan ng mga mamamayan at organong Tsino sa naturang bansa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |