|
||||||||
|
||
Sa isang preskong idinaos ng panig Ruso pagkatapos ng pulong, tinukoy ni Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya na inihanda na ng dalawang panig ang serye ng mga dokumentong pangkooperasyon, at lalagdaan ang mga ito sa susunod na pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa. Pero, hindi niya isinisiwalat kung kailan magaganap ang pagtatagpong ito.
Ipinahayag din niyang sa kasalukuyan, umiiral ang maraming pagkakaiba sa pagitan ng Rusya at E.U., pero kapwa umaasa ang dalawang bansa na malulutas ang mga ito sa pamamagitan ng tahimik na diyalogo. Aniya pa, may komong responsibilidad ang dalawang bansa na iwasan ang kaguluhan ng kalagayang pandaigdig.
Dahil sa pagbibigay ng Rusya ng asylum kay Edward Snowden, whistleblower ng mga surveillance program ng Amerika, kinansela ng White House ang pagtatagpo ng mga pangulong Amerikano at Ruso na nakatakdang idaos sa Moscow sa unang dako ng susunod na buwan. Kinansela rin ng panig Amerikano ang magkasanib na preskon ng nabanggit na "2 plus 2" meeting.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |