Nagpulong kahapon ang mga ministrong panlabas ng ASEAN sa Hua Hin, Thailand. Narating nila ang komong palagay kaugnay ng pagpapasulong ng paglagda sa Code of Conduct in South China Sea (COC).
Ipinahayag ni Surapong Tovichakchaikul, Ministrong Panlabas ng Thailand na aktibo at konstruktibo ang Tsina sa isyu ng South China Sea. Ipinakikita aniya ito ng pakikipagtalastasan ng Tsina sa mga bansang ASEAN hinggil sa paglagda sa COC. Umaasa aniya siyang makikita ang mga konkretong bunga hinggil dito.
Inihayag naman ni Marty M. Natalegawa, Ministrong Panlabas ng Malaysia ang kanyang pag-asang mapapasulong ng COC ang pagtitiwalaan at malulutas ang mga umiiral na pagkakaiba sa paglagda sa dokumentong ito.
Ang nasabing pulong ay nagsisilbing paghahanda para sa gaganaping pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina't ASEAN sa Beijing.
Salin: Jade