Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina at ASEAN: aktibo at matatag na pasulungin ang proseso ng pagtatakda ng DOC

(GMT+08:00) 2013-08-15 16:54:53       CRI
Nagpulong kahapon ang mga Ministrong Panlabas ng ASEAN sa Hua Hin, Thailand, para talakayin ang mga isyu hinggil sa relasyon ng Tsina at ASEAN, target ng pag-unlad ng ASEAN sa hinaharap at iba pa.

Ang isyu ng South China Sea ay naging tampok sa naturang pulong. Ipinahayag ni Sihasak Phuangketkeow, Permanent Secretary for Ministry of Foreign Affairs of Thailand, na ang taong ito ay ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN. Nitong 10 taong nakalipas, maraming nagging bunga ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN, datapuwat umiiral pa rin ang mga hamon, hindi dapat tasahin ang relasyon ng dalawang panig ayon sa iisang tema.

Isinalaysay ni Sihasak Phuangketkeow na bilang pagdiriwang sa ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, idaraos ng Tsina at ASEAN ang espesyal na Pulong ng mga Ministrong Panlabas dito sa Beijing mula ika-28 hanggang ika-30 ng buwang ito. At sa kalagitnaan ng susunod na buwan, idaraos ng Tsina at ASEAN ang opisyal na pulong para sa pagsasanggunian hinggil sa pagtatakda ng "Code of Conduct in South China Sea (COC)" . Ipinahayag ni Sihasak Phuangketkeow na, mataimtim at matapat ang talakayan ng Tsina at ASEAN sa pulong sa Setyembre. At umaasa rin ang ASEAN na ang Pulong ng mga Ministrong Panlabas na idaraos sa Beijing ay magpapaliwanag ng kapasiyahang pulitikal ng dalawang panig sa pagpapasulong ng proseso ng pagtatakda ng COC.

Noong Nobyembre ng 2002, sa panahon ng Pulong ng mga Lider ng Tsina at ASEAN na idinaos sa Phnom Penh, Kambodya, nilagdaan ng mga Ministrong Panlabas at kinatawan mula sa Tsina at ASEAN ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China sea (DOC). Noong unang dako ng buwang ito, sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Thailand, ipinahayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina na dapat talakayin ang isyu ng pagtatakda ng COC sa loob ng framework ng DOC. Ipinahayag rin ni Sihasak Phuangketkeow na dapat isagawa ang kinauukulang pagsasanggunian ng Tsina at ASEAN batay sa DOC.

Sinabi ni Sihasak Phuangketkeow na sa proseso ng pagtatakda ng COC, mapapanatili ng ASEAN ang "tanging tinig", pero, hanggang sa kasalukuyan, hindi pa nararating ang pagkakaisa hinggil sa isyung ito sa loob ng ASEAN. Ipinahayag ni Sihasak Phuangketkeow na dapat lumikha ang iba't ibang kinauukulang panig ng mabuting kapaligiran para sa proseso ng pagtatakda ng COC.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>