Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tatlumpu't isa katao, nasawi sa sakuna sa Cebu; 171 nawawala

(GMT+08:00) 2013-08-17 18:48:13       CRI

PANSAMANTALANG itinigil ang search and rescue operations sa pook na pinangyarihan ng sakuna kagabi dahilan sa sama ng panahon. Naganap ang sakuna sa timog-kanluran ng Mactan Island sa Cebu.

MALAKAS ANG PAGKAKABANGGA NG CARGO SHIP SA RO-RO.  Hawak ni Transport and Communications Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya ang larawan ng unang bahagi ng cargo ship ng Philippine Span Asia Corp. na bumangga sa bandang likuran ng kanang bahagi ng St. Thomas Aquinas na ikinasawi ng 31 katao at pagkawala ng may 171 pa.  (Larawan ni Melo Acuna)

Sa pinakahuling ulat ng Department of Transportation and Communications, sinabi ni Kalihim Joseph Emilio Aguinaldo Abaya na nabangga ng isang barkong pangkargamentong may pangalang M/V Suplicio Express Siete na pag-aari ng Philippine Span Asia Carrier Corp. ang pampasaherong barkong St. Thomas Aquinas na pag-aari 2Go Group of Companies. Naganap ang sakuna kagabing ika-walo at apatnapu't lima ng gabi (8:45 PM). Lumubog ang pampasaherong barko mga ika-siyam at labing-isa ng gabi (9:11 PM).

Sinabi ni Kalihim Abaya na mayroong 692 pasaherong mga matatanda at mga bata samantalang mayroong 23 sanggol mula sa Butuan City na sakay ng St.Thomas Aquinas. Mayroong kabuuhang bilang ng mga pasahero na umabot sa 715 katao. Mayroon ding 116 na tauhan ang roll on-roll off vessel. Paalis ng daungan ang cargo vessel sa Cebu patungong Davao nang mabangga ang ro-ro.

KUMPIRMADONG 31 ANG NASAWI, 171 ANG NAWAWALA.  Ito ang binanggit ni Kalihim Joseph Emilio Aguinaldo Abaya ng Department of Transportation and Communications (gitna) sa isang press briefing ngayong hapon sa tanggapan ng Philippine Coast Guard.  Nasa kaliwa si Coast Guard Commandant Rear Admiral Rodolfo Diwata Isorena at Maritime Industry Authority Administrator Max Mexia (kanan).  (Larawan ni Melo Acuna)

Tatlumpu't isa katao ang nabalitang nasawi at 660 ang nailigtas. Bagaman, sa pagkakaroon ng mga bangkay na nababawi, tiyak na bababa ang bilang ng mga nawawala. Umabot sa 171 katao ang nabalitang nawawala.

Ibinalita pa ni Kalihim Abaya na pinangangasiwaan ni Cebu Governor Hilario Davide, Jr. at Commodore William Melad ng Philippine Coast Guard ang search and rescue operations. Tumutugon ang pamahalaang lokal at ang 2Go Group of Companies sa mga pasaherong nasa pagamutan, holding areas at ang mga bangkay na nasa punerarya.

Samantala, inutusan ni Maritime Industry Authority Administrator Max Mejia ang Philippine Span Asia Carrier Corporation at 2Go Group, Inc. at mga tauhan ng St. Thomas Aquinas na dating kilala sa pangalang MV Superferry 2 na kapwa magpaliwanag kung bakit hindi nararapat suspendihin ang kanilang Certificates of Public Convenience na ipinalabas ilang taon na ang nakalilipas dahilan sa sakuna.

May 200 katao ang nailigtas ng search and rescue personnel ng Philippine Span Asia Carrier Corporation ayon kay Ginoong Mejia.

Nabatid na ang cargo vessel ay binili ng kumpanyang Pilipino sa Poland. Ginawa ito noong 1980. Ang St. Thomas Aquinas ay gawa sa Japan noong 1972 at nagkaroon ng conversion upang maging ro-ro noong 1992.

POOK NA PINANGYARIHAN NG SAKUNA, IDINETALYE.  Ipinakita sa mga mamamahayag ni Kalihim Joseph Emilio Aguinaldo Abaya ang pook na pinangyarihan ng sakuna kagabi na ikinasawi ng 31 katao.  Bukas na magpapatuloy ang search and rescue operations dahilan sa sama ng panahon.  (Larawan ni Melo Acuna)

Tutugon naman ang Philippine Coast Guard sa posibilidad na magkaroon ng marime pollution sa pook sapagkat mayroon itong 120,000 litrong bunker oil, 20,000 litrong lube oil at 20,000 litrong krudo ang ro-ro vessel.

Sinabi ni Rear Admiral Rodolfo Diwata Isorena na nagpadala na siya ng isa pang barko upang tumulong sa pagpigil ng maritime pollution. May apat na technical divers na ipadadala bukas sa pook.

Mayroon din silang tatlong barko ng Philippine Coast Guard, dalawang gunboats mula sa Philippine Navy at dalawang tug boats na kasama sa surface search operations. May tatlong grupo ng mga maninisid mula sa Philippine Coast Guard, Philippine Navy at Philippine Coast Guard Auxiliary.

Inamin ni Kalihim Abaya na mayroong mga banyagang sakay ng M/V St. Thomas Aquinas subalit ayon sa kanilang impormasyon, maayos naman ang kanilang kalagayan maliban sa isang New Zealander na nasa pagamutan pa.

Hindi hinihilingan ang mga banyagang sasakay ng mga barko sa Pilipinas na magpakita ng kanilang mga pasaporte kaya't mahirap mabatid kung mayroong mga taga-ibang bansang magiging biktima ng mga sakuna.

Magpapatuloy ang search and rescue operations bukas.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>