Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Basketball Team, 2 panalo

(GMT+08:00) 2013-08-18 15:42:12       CRI

 

Ilang Miyembro ng Basketball Team ng Pilipinas

Kahapon sa unang araw ng kompetisyon sa Ika-2 Asian Youth Games (AYG) sa Nanjing, Tsina, nanalo ang koponan ng Pilipinas sa 3-on-3 Basketball. Tinalo ng Pilipinas ang Indonesia sa iskor na 10-8. Matapos nito, hinarap naman ng koponan, ang trio mula sa Saudi Arabia pero di ito umubra sa lakas ng Pinoy three-some. Yumukod ang Saudi sa Pilipinas sa iskor na 14-10.

Sa panayam ng Serbisyo Filipino ilang araw bago magsimula ang AYG inamin ng mga basketbolista na nabuo ang kanilang koponan ilang araw bago pumunta sa Nanjing. Pinakabagong myembro ng kanilang team si Joshua Andrei Caracut, Shooting Guard ng San Beda Lions. Ani Andrei, wala itong kaso dahil alam niya ang laro ng kanyang mga bagong teammates.

Ayon kay George Isaac Go, team to beat ang Tsina. Inaasahan niyang makakalaro ang magagaling na players mula sa Tsina, Korea at mga bansa sa Gitnang Silangan. Ani ng pambato ng Xavier School, tunay na karangalan ang makalaban ang pinakamahusay na atleta sa Asya. Bilang respeto sabi ni Go, dapat lang na ipakita rin nya ang kanyang angking husay sa paglalaro.

Sinabi ni Patrick Ramirez kahit na dehado sa tangkad, handa namang ibigay ng basketball trio ng Pilipinas ang lahat ng makakaya para manalo ng medalya.

Ulat nina Machelle at Lele

BOX SCORES:

PILIPINAS 10 - George Go 5, Patrick Ramirez 3, Andrei Caracut 2

INDONESIA 8 - PANGESTHIO Rivaldo Tandra 4, CHANDRA Alkristian 1, KOSASIH Vincent Rivaldi 1, AZIZ Muhamad Sandy Ibrahim 2

PILIPINAS 14 – GO 6, RAMIREZ 2, CARACUT 6

SAUDI ARABIA 10 - ALSHARIF Abdulhamid-1, MUSALLAM Abdullah-5, SHUBAYLI Ali- 4, ALHATHAF Muhannad- 0

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>