Noong unang hati ng taong ito, mabagal ang recovery ng kabuhayan ng Europa at Estados Unidos, pero, napapanatili ng kabuhayan ng Timog Silangang Asya ang malakas na paglaki sa kabuaan. Noong nakaraang buwan, ipinalabas ng Asian Development Bank (ADB) ang Asian Development Outlook Supplement (ADOS) 2013. Sa ulat na ito, bumaba sa 5.2% at 5.6% ang pagtaya ng ADB sa paglaki ng kabuhayan ng rehiyon ng Timog Silangang Asya at unang 5 ekonomiya ng ASEAN sa taong ito at sa susunod na taon.
Sa isang panayam, sinabi ni Song Leilei, Mataas na Ekonomista ng ADB, na sa huling hati ng taong ito, patuloy na babagal ang paglaki ng kabuhayan sa Timog Silangang Asya. Pero dahil sa malakas na pangangailangang panloob at panlabas, isasakatuparan ng kabuhayan ng Timog Silangang Asya ang matibay na paglaki.
Ipinahayag ni Zhao Jianglin, Dalubhasa ng National Institute of International Strategy ng Chinese Academy of Social Sciences, na ang mabilis na paglaki ng kabuhayan ng ASEAN ay dahil sa maraming elemento, kinabibilangan ng kalagayan sa itinakdang yugto ng pag-unlad ng kabuhayan, estratehiya ng iba't ibang bansang ASEAN para pasulungin ang pag-unlad ng kabuhayan, mahigpit na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa pagitan ng ASEAN at mga partner bansa sa Malayang Sonang Pangkalakalan, at iba pa.
Sinabi niyang nitong ilang taong nakalipas, matatag ang kalagayang pulitikal ng iba't ibang bansang ASEAN, kaya aktibong pinaplano ng iba't ibang bansa ang pag-unlad ng kabuhayan sa hinaharap.
Bukod dito, nagiging mas mahigpit ang pagpapalitang pangkalakalan ng ASEAN at ibang bansa. Noong ika-9 ng Mayo ng taong ito, idinaos sa Brunei ang kauna-unahang talastasan ng Regional Comprehensive Economic Partnership, RCEP sa pagitan ng ASEAN at Tsina, Hapon, Timog Korea. Ipinalalagay ni Song Leilei na ang RCEP ay makabuti sa pagsasamasama ng iba't ibang kasunduan sa malayang zonang pangkalakalan na umiiral sa rehiyong ito.
Bukod dito, bilang pinakamalaking trade partner, pinasusulong ng pamumuhunan ng Tsina ang paglaki ng kabuhayan ng ASEAN. Tinukoy ni Song Leilei na ang pamumuhunan ng Tsina sa imprastruktura at mga pondo ng tulong sa pag-unlad ng ibang bansa ay direktang nagpasulong ng pag-unlad ng lokal na kabuhayan.
Salin:Sarah