|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat kamakalawa ng The Brunei Times, sustenable at malakas ang paglaki ng kabuhayan ng ASEAN. Sinabi pa nitong ipinalabas sa AEMM na sa kasalukuyan, mahina ang kabuhayan sa buong daigdig, pero mabilis ang paglaki ng kabuhayan ng ASEAN. Ang pangunahing dahilan nito, anang nasabing pahayagan, ay ang malakas na pangangailangang panloob na kinabibilangan ng pamumuhunan ng pamahalaan, pangangailangan ng konsumpsyon, mainam na makro-ekonomya at iba pa.
Bukod dito, ang walang humpay na pagpapalalim ng integrasyong panrehiyon ay mahalagang dahilan din ng mabilis at matatag na paglaki ng kabuhayan ng ASEAN, dagdag pa ng Brunei Times.
Sa larangan ng kalakalan ng paninda, isinagawa ng mga bansang ASEAN ang reporma sa patakaran ng pagluluwas, upang pasimplehin ang kalakalan, sa larangan ng serbisyo, walang humpay na isinakatuparan ng ASEAN ang ASEAN Framework Agreement on Services; sa larangan ng pamumuhunan, maalwang isinasagawa ang Kasunduan ng Komprehensibong Pamumuhunan ng ASEAN, at sustenableng lumalaki ang pamumuhunan sa loob ng rehiyong ito.
Pero, sa kasalukuyan, magkaiba ang iba't ibang bansang ASEAN sa sistemang pulitikal, lebel ng pag-unlad ng kabuhayan, batas, kultura at iba pang larangan, kaya magkaiba ang lebel ng integrasyon ng mga bansang ASEAN.
Sa panahon ng AEMM, idinaos din ang kauna-unahang ministerial na pulong ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) na nilahukan ng 10 bansang ASEAN at 6 dilogue partner na Tsina, Hapon, Timog Korea, India, Australia, at NewZealand.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |