|
||||||||
|
||
Pinayuhan kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang isang Amerikanong na itigil ang paglalabas ng di-responsibleng pahayag hinggil sa isyu ng Diaoyu Islands.
Sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Hapon, sinabi ni John McCain, Senador ng Estados Unidos (E.U.), na ang Diaoyu Islands ay teritoryo ng Hapon. Aniya, nilapastangan ng Tsina ang karapatan ng Hapon sa Diaoyu Islands. Kailangang pasulungin ang koordinasyon ng mga bansang naisasapanganib ng Tsina, dagdag pa niya.
Bilang tugon, sinabi ni Hong na, ang Diaoyu Islands ay likas na teritoryo ng Tsina at hindi ito maaring mabaluktot. Pinayuhan niya ang nasabing senador na itigil ang di-responsibleng pagsasalita, para mabawasan ang pagiging mas masalimuot ng mga may kinalamang isyu at kalagayan ng rehiyon.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |