|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ni Chang Wanquan, Ministrong Pandepensa ng Tsina, na dapat panatilihin ng Tsina at Estados Unidos ang diyalogo sa mga pagkakataong multilateral upang magkaroon ng pagtitiwalaan para sa pagpapasigla ng bilateral na relasyong militar.
Winika ito ni Ministro Chang sa kanyang pakikipagtagpo kay Chuck Hagel, Kalihim ng Tanggulang-bansa ng Amerika. Kapuwa ministrong pandepensa ang kalahok sa ASEAN Defence Ministers' Meeting-Plus (ADMM-Plus) na binuksan kagabi sa Brunei.
Iminungkahi rin ng Ministrong Tsino na pasulungin ng mga hukbo ng Tsina't Amerika ang pragmatikong pagtutulungan sa paghahanap at pagliligtas sa kapahamakan, paglaban sa terorismo at misyong pamayapa para magkasamang palakasin ang kakayahan ng rehiyon laban sa banta ng di-tradisyonal na seguridad.
Sumang-ayon si Kalihim Hagel sa mga mungkahi ni Ministrong Chang. Nakahanda aniya ang panig Amerikano na pahigpitin ang pakikipag-ugnayan nito sa panig Tsino para mapasulong ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang hukbo.
Ito ang ikalawang pagtatagpo ng dalawang ministrong pandepensa pagkaraan ng kanilang unang pag-uusap sa Estados Unidos noong pagpasok ng buwang ito.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |