Sa kanyang paglahok sa Ika-2 ASEAN Defence Ministers' Meeting-Plus (ADMM-Plus) na idinaos ngayong araw sa Bandar Seri Begawab, Brunei, ipinahayag ni Chang Wanquan, Ministrong Pandepensa ng Tsina, na dapat pahigpitin ng mga bansang Asyano ang pagtitiwalaan at pangalagaan ang komong seguridad sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Sa kanyang talumpati sa miting, sinabi ni Chang na pagkaraang itatag ang mekanismo ng ADMM-Plus, nitong 3 taong nakararaan, pinatingkad nito ang positibong papel sa magkakasamang pangangalaga sa seguridad at kapayapaang panrehiyon. Aniya pa, ang Tsina ay kalahok, constructor at contributor ng kooperasyong pangkapayapaan ng rehiyong Asya-Pasipiko, buong tatag na iginigiit nito ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad at pagsisikap para mapanatili ang seguridad at katatagang panrehiyon. Bukod dito, iniharap pa ni Chang ang mungkahing may kinalaman sa pagpapahigpit ng relasyong Sino-ASEAN sa seguridad at tanggulang bansa at palalimin ang substansyal na kooperasyon sa balangkas ng ADMM-Plus.