Sa magkahiwalay na okasyon, nakipag-usap kagabi sa Bandar Seri Begawan si Ministrong Pandepensa Chang Wanquan ng Tsina kina Mohammad Yasmin bin Haji Umar, Ministro ng Enerhiya ng Brunei at Ministrong Pandepensa Hishammuddin ng Malaysia.
Sa pakikipag-usap kay Mohammad Yasmin, sinabi ni Chang na pisitibo ang Tsina sa mahalagang papel ng Brunei, bilang tagapangulong bansa ng ASEAN, sa pagpapalakas ng pagtitiwalaan ng mga kasapi ng ASEAN, pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyon sa di-tradisyonal na larangan, at pangangalaga sa katatagan ng rehiyon. Hinahangaan din ng Ministrong Tsino ang pagtutulungan ng Tsina at Brunei sa larangang bilateral at multilateral. Nakahanda ang Tsina na makisangkot sa konstruksyon ng ADMM-Plus, para pangalagaan ang katatagan ng rehiyon, dagdag pa niya.
Ipinahayag naman ni Mohammad Yasmin ang pasasalamat sa suporta na ibinibigay ng Tsina para sa ADMM-Plus. Positibo siya aniya sa pagtutulungan ng dalawang bansa at hukbo.
Nang kausapin si Hishammuddin, positibo si Chang sa mabilis na pagunlad ng relasyon ng hukbo ng Tsina at Malaysia. Ilang mungkahi din ang iniharap ni Chang hinggil sa ibayo pang pagpapasulong ng relasyong militar ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ng kabilang panig na pinahahalagahan ng Malaysia ang pakikipagtulungang militar sa Tsina, at umaasa itong pahihigpitin pa ang kooperasyon ng dalawang panig sa larangang pandepensa.