Dumating ngayong araw sa Ashgabat, kabisera ng Turkmenistan, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para pasimulan ang kanyang dalaw-pang-estado sa bansang ito.
Sa panahon ng pagdalaw, katatagpuin si Xi ni Pangulong Gurbanguly Berdimuhamedow ng Turkmenistan. Lalagdaan nila ang dokumento hinggil sa mga matatamong bunga ng pagdalaw na ito, at sasaksihan din ang paglalagda sa mga dokumento hinggil sa bilateral na kooperasyon ng dalawang bansa.
Ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng Turkmenistan, at noong isang taon, umabot sa 10.3 bilyong Dolyares ang kabuuang halaga ng kanilang kalakalan. Maganda rin ang kooperasyong pang-enerhiya ng dalawang bansa, at ang China-Turkmenistan natural gas pipeline ay pinakamahabang transnasyonal na natural gas pipeline sa buong daigdig.
Salin: Liu Kai