Kinatagpo kahapon sa Nanning, Guangxi, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina si Punong Ministro Thongsing Thammavong ng Laos na kalahok sa kasalukuyang idinaraos na Ika-10 China-ASEAN Expo (CAExpo) at Ika-10 China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS).
Ayon sa premyer Tsino, sa ilalim ng kasalukuyang situwasyong panrehiyon at pandaigdig, umaasa ang Tsina na mapapayaman nila ng Laos ang kanilang komprehensibong estratehikong partnership na pangkooperasyon para mapabilis ang kanilang pagtutulungan sa transportasyon, enerhiya at agrikultura. Umaasa rin aniya ang Tsina na mapapatingkad ng Laos ang papel nito sa pagpapasulong ng relasyong Sino-ASEAN.
Ipinahayag naman ni Thongsing na may mahalagang katuturan ang pagtutulungang Sino-Lao sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Laos. Nakahanda aniya ang Laos na patingkarin ang papel nito sa pagpapalalim ng relasyong Sino-ASEAN.
Salin: Jade