Ngayong araw ay ang ika-68 anibersaryo ng tagumpay ng China's Resistance War Against Japanese Aggression at World Anti-Fascism War(WWII). Ilang aktibidad ang inihandog ng mga personaheng galing sa iba't ibang sektor sa loob at labas ng Tsina, bilang paggunita sa araw na ito.
Mula ika-2 ng buwang ito, mababasa ang 80 volume o 50,000-pahinang librong "Trials Account of the International Military Tribunal for the Far East" na magkakasamang inilathala ng National Library ng Tsina at Shanghai Jiao Tong University. Muli nitong ipinakikita ang kuwentong naganap sa Interntional Military Tribunal, noong ika-3 ng Mayo, 1946 hanggang ika-12 ng Nobyembre, 1948. Ipinalalagay ng mga dalubhasa na ito ay hindi lamang nagsisilbing pagpakli sa pagtatanggi ng Hapon sa kanyang aktibidad ng pananalakay sa kasaysayan, kundi makakatulong sa paglutas, sa hinaharap, sa mga di-malutas-lutas na isyu sa pagitan ng Tsina at Hapon.