Nagtungo na sa Rusya para sa G20 Summit si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, makaraang magsagawa ng kanyang opisyal na pagdalaw sa Turkmenistan.
Sa kanyang katatapos na pagdalaw sa Turkmenistan, nakipag-usap ang Pangulong Tsino sa kanyang counterpart na Turkmen na si Gurbanguly Berdymukhamedov. Magkasamang lumagda ang dalawang puno ng estado sa "Magkasanib na Deklarasyon ng Tsina't Turkmenistan sa Pagkakatatag ng Estratehikong Partnership."
Pagkaraang lumahok sa G20 Summit na gaganapin ngayong araw at bukas, dadalaw rin si Pangulong Xi sa Kazakhstan, Uzbekistan at Kyrgyzstan at dalalo sa Ika-13 Pulong ng Konseho ng mga Puno ng mga Kasaping Bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na idaraos sa Bishkek, Kyrgyzstan.
Salin: Jade