Sa ika-2 araw ng G20 Summit sa St. Petersburg, Rusya, nagtalumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa isyu ng kalakalan.
Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyan, muling lumalala ang trade protectionism, nasa deadlock ang Doha Round Talks, at marami ang mga hamon sa multilateral na sistemang pangkalakalan. Ang mga ito aniya ay hindi makakabuti sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, at hindi rin angkop sa interes ng iba't ibang bansa.
Sinabi rin ni Xi na bilang mga bansang may mahalagang posisyon sa kalakalang pandaigdig, dapat pahalagahan ng mga bansa ng G20 ang nabanggit na mga problema at isabalikat ang kanilang responsibilidad, para mapasulong ang kalakalang pandaigdig.
Salin: Liu Kai