Sa kanyang talumpati ngayong araw sa Nazarbayev University ng Kazakhstan, nagharap ng mungkahi si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na magkakasamang itatag ng kanyang bansa at mga bansa sa Gitnang Asya ang Silk Road economic belt, para mapasulong ang kanilang kooperasyon.
Nanawagan si Xi sa mga may kinalamang bansa na magkakasamang itakda ang mga plano at hakbangin ng pagpapasulong sa rehiyonal na kooperasyon, para makapagbigay-daan sa integrasyong pangkabuhayan ng rehiyong ito sa kapwa aspekto ng patakaran at batas.
Nandoon si Xi sa Astana, kabisera ng Kazakhstan, para sa isang pagdalaw pagkatapos ng kanyang pagdalaw sa Rusya at paglahok sa G20 Summit sa St. Petersburg.
Salin: Liu Kai