Sa panahon ng kanilang paglahok sa G20 Summit sa St. Petersburg, Rusya, nagtagpo kahapon sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos.
Ipinahayag ni Xi na sa kasalukuyan, mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano, at maganda ang pagpapatupad ng dalawang bansa ng mga komong palagay na narating nila ni Obama sa kanilang pagtatagpo noong Hunyo ng taong ito sa E.U.. Sinabi rin ni Xi na isinasagawa ngayon ng Tsina ang pagbabago ng paraan ng pagpapaunlad ng kabuhayan at pagsasaayos ng estruktura ng kabuhayan, at ito ay magkakaloob ng mas maraming pagkakataon para sa kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at E.U..
Binigyan naman ni Obama ng positibong pagtasa ang umiiral na pagpapalagayan at pagtutulungan ng E.U. at Tsina sa iba't ibang larangan. Inulit din niya ang pagtanggap ng E.U. sa mapayapang pag-unlad ng Tsina, at pagpapatingkad nito ng responsableng papel sa daigdig.
Nagpalitan din ng palagay ang dalawang pangulo hinggil sa mga suliranin sa Asya-Pasipiko, kalagayan ng Korean Peninsula, at isyu ng Syria.