Isinalaysay kahapon ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang kalagayan ng paglahok ni Pangulong Xi Jinping sa G20 St. Petersburg Summit.
Sinabi ni Wang na sa summit na ito, iniharap ni Xi ang mga bagong ideya hinggil sa pagpapaunlad ng kabuhayang pandaigdig at pagpapalakas ng kooperasyon ng mga kasaping bansa ng G20. Aniya, ang mga paninindigan ni Xi ay malawak na tinatanggap ng mga kalahok na bansa, at inilakip din ang mga palagay at mungkahi ng panig Tsino sa magkasanib na deklarasyon ng summit na ito.
Salin: Liu Kai