|
||||||||
|
||
Magkasamang dumalo kahapon sa Astana sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Nursultan Abishuly Nazarbayev ng Kazakhstan sa pulong ng pagkakatatag ng Komisyon ng Mga Mangangalakal ng Tsina at Kazakhstan.
Sa kanyang talumpati sa pulong, tinukoy ni Xi na ang Tsina at Kazakhstan ay mahalagang cooperative partner ng isa't isa, at mabungang mabunga ang kanilang pragmatikong kooperasyon. Ang naturang komisyon ay unang bilateral na mekanismong pangkooperasyon ng sirkulo ng industriya at komersyo sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa Gitnang Asya. Umaasa aniya siyang mahihimok ng naturang komisyon ang mas maraming bahay-kalakal ng dalawang bansa na sumali sa bilateral na kooperasyon, at mapapasulong ang ganitong kooperasyon sa mas malawak at mataas na antas.
Ipinahayag naman ni Nazarbayev na nakahanda ang panig Kazakhstan na palawakin, kasama ng panig Tsino ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng enerhiya at komunikasyon. Umaasa rin siyang aktibong mapapasulong ng nabanggit na komisyon ang pagpapalagayan ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa, at lilikhain ang bagong kayarian para sa kanilang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan at pamumuhunan.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |