Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pag-unlad ng Tsina, pinakikinabangan ng mga bansang ASEAN

(GMT+08:00) 2013-09-09 17:05:42       CRI

Mabungang mabunga ang katatapos na ika-10 China ASEAN Expo o CAExpo. Kasabay ng pagpapabuti ng mga gawain sa aspekto ng kalakalan, pamumuhunan at serbisyo, pinalawak ang ekspong ito at isinama ang mga larangang gaya ng komunikasyon , kooperasyong pandagat, kooperasyon ng mga industrial park, kooperasyong pinansiyal, siyensiya't teknolohiya, pagpapalitan ng talento't kultura at iba pa. Ipinalalagay ng mga dalubhasa na pinakikinabangan ng mga bansang ASEAN ang pag-unlad ng Tsina.

Ipinahayag ni Richard Javad Heydarian, Propesor ng Ateneo de Manila University sa Pilipinas, na nagkaloob ang Tsina ng malaking pagkatig sa pag-unlad ng kanyang bansa. Aniya,

"Pinatunayan ng aming karanasan noong nagdaang mahigit 10 taon na ang Tsina ay maaaring magkaloob ng mapagkakatiwalaang imprastruktura na may makatwirang presyo at low interest loan sa amin. Ipinalalagay kong nakahanda ang Tsina na bahaginan ng benepisyo ng pag-unlad ng sariling kabuhayan ang ibang bansa. Ito ay hindi lamang makakabuti sa iba't ibang industriya ng Tsina, kundi makakapagpasulong din sa estratehikong relasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN na kinabibilangan ng Pilipinas."

Kaugnay ng duda ng ilang bansang ASEAN sa pag-unlad at paglakas ng Tsina, ganito ang sinabi ni Vichit Sindavong, Asistenteng Ministro ng Pagpaplano at Pamumuhunan ng Laos:

"Kailan man'y tumatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad. Kahit may napakalaking pag-unlad at walang humpay na lumalakas ang Tsina, hinding hindi nito gagawin ang hegemonismo, ito ang palagiang binibigyang-diin ng pamahalaang Tsino. Sa ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina, inulit ng lider na Tsino ang paninindigang ito. Binigyang-diin din ng bagong lider ng Tsina na palalakasin ng kanyang bansa ang pakikipagtulungan sa mga kapitbansa, at babahaginan ng mas maraming benepisyo ang mga kapitbansa, lalung lalo na, mga bansang ASEAN."

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>