Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina at Uzbekistan, ibayo pang palalalimin ang bilateral na relasyon

(GMT+08:00) 2013-09-09 18:29:19       CRI

Sa kanilang pag-uusap ngayong araw sa Tashkent, Uzbekstan, sinang-ayunan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at ng kanyang counterpart na si Islam Karimov mula sa bansang ito, ang ibayo pang pagpapasulong at pagpapalalim ng bilateral na relasyon ng dalawang panig.

Umaasa anita si Xi na ibayo pang pahihigpitin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa negosyo, pamumuhunan, enerhiya, imprastruktura, agrikultura, at transportasyon.

Ipinahayag ni Karimov na ang kooperasyon sa enerhiya ay ang paunang bagay sa kooperasyon nila ng Tsina. Bukod dito, umaasa rin siyang mapapalalim ang kooperasyon ng dalawang panig sa kultura, kalakalan, transportasyon at imprastruktura.

Kaugnay ng kalagayang panrehiyon, buong pagkakaisang ipinalalagay nila na dapat tutulan ang pakikialam ng anumang dayuhang puwersa sa kalagayang panloob ng mga bansa sa Gitnang Asya, pahigitin ang kooperasyong panseguridad at pandepensa at bigyang-dagok ang terorismo, ekstrimismo at seperatismo.

Bukod dito, pahihigpitin naman ng dalawang bansa ang kooperasyon sa ilalim ng balangkas ng Shanghai Cooperation Organization.

Salin: Ernest

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>