Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Davao, tampok sa Pangkulturang Pestibal ng Pilipinas

(GMT+08:00) 2013-09-10 17:04:37       CRI

Davao Food and Culture Conference

Inilunsad ngayong araw sa Marco Polo Parkside Beijing ang Pangkulturang Pestibal ng Pilipinas kung saan tampok ang rehiyon ng Davao.

Eden Larano-David

Sa media presentation ipinakilala ni Eden Larano-David, Chief Tourism Operations Officer ng Davao Region ang mga kilalang pasyalan sa pinakamalaking lunsod ng bansa.

Ani David alok ng Davao ang eco-tourism adventure, magagandang tanawin para sa mahilig sa potograpiya, mountain hiking at bird watching.

Dagdag pa niya, bagamat isang modernong lunsod, napapanatili pa rin ng Davao ang mayamang kultura nito kaya't isang di malilimutang karanasan ang naghihintay sa mga turista.

Sa kasalukuyang pestibal ng pagkain at kultura na binuksan ngayong araw sa Marco Polo Parkside Hotel, tampok ang kilalang mga pagkain at prutas mula sa Davao kabilang dito ang tuna, durian, suha at mangosteen.

Kalumon Ensemble

Magtatanghal din ang Kalumon Performing Ensemble araw-araw para ibahagi ang natatanging musika, awitin at sayaw ng mga Davaoenos.

Chef Gene Gonzalez

Lumipad mula Pilipinas si Chef Gene Gonzalez para ihain ang mga kilalang lutuin mula Davao tulad ng kinilaw, adodo del diablo, tuna belly at marami pang iba.

Sinabi ni Chef Gonzalez na isa itong magandang paraan para maibaba ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina. Ito rin ay angkop na pagkakataon para maipakilala ang lutuing Pilipino dahil kaunti pa lang ang nakakakilala rito.

Dagdag pa ng sikat na chef na sya mismo ay patuloy na umiikot ng Pilipinas para maghanap at makadiskubre ng mga pagkaing Pinoy.

Ang Davao Food and Culture Festival ay tatagal hanggang ika-27 ng Setyembre, 2013 sa Café Marco ng Marco Polo Parkside Hotel, Beijing.

Ulat: Machelle, Rhio at Ramon

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>