Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Tashkent kay Pangulong Islam Karimov ng Uzbekistan, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa harap ng bagong situwasyong panrehiyon at pandaigdig, umaasa siyang mababalangkas ang pagtutulungan ng Tsina at Uzbekistan sa hinaharap, batay sa pagpapatuloy ng umiiral na mapagkaibigang pagtutulungan at pangmalayuang pananaw. Aniya, ang "Tratado sa Mapagkaibigang Kooperasyon ng Tsina at Uzbekistan" na lalagdaan ng dalawang panig ay magsisilbing prinsipyong magsusulong sa bilateral na relasyon. Ito ay makakatulong sa ibayo pang pagpapasulong ng estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Karimov na ang kooperasyong pang-enerhiya ay nagsisilbing priyoridad sa pagtutulungan ng Tsina at Uzbekistan. Magsisikap aniya ang kanyang bansa para sa pagtatayo ng proyekto ng natural gas pipeline. Ito ang magiging tulay para sa pagpapasulong ng mapagkaibigang pagtutulungan ng dalawang bansa, dagdag pa niya.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig, kabilang dito ang pangangalaga sa katatagan sa Gitnang Asya, paglaban sa "tatlong puwersa", pagpupuslit ng droga, transnasyonal na krimen, at isyu ng Afghanistan.
Pagkaraan ng pag-uusap, dumalo ang dalawang lider sa seremonya ng paglalagda ng mga dokumentong pangkoopeasyon ng dalawang panig.