Binuksan kahapon sa Dalian, probinsya ng Liaoning, Tsina ang "2013 Summer Davos Forum." Lumahok at nagtalumpati sa seremonya ng pagbubukas si Premyer Li Keqiang ng Tsina.
Sa ilalim ng pagbagal ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, binuksan ang 2013 Sumer Davos Forum na nilahukan ng mahigit 2,000 panauhin. Maraming tao ang may kuwestiyon sa prospek ng kabuhayang Tsino. Tungkol dito, sinabi ni Premyer Li na:
"Nasa masusing yugto ng pagbabago at pagtaas ng lebel ang Tsina. Sa kabuuan, matatag ang pag-unlad ng kasalukuyang kabuhayan, at mabuti ang tunguhin ng pag-unlad nito. Isinasagawa ng Tsina ang serye ng patakaran hinggil sa inobasyon, para mapatatag ang pag-unlad, mapaayos ang estruktura, at mapasulong ang reporma."
Ipinahayag ni Li na, sa harap ng presyur ng pagbaba ng kabuhayan, pinatatatag ng pamahalaang Tsino ang patakaran sa makro-ekonomiya, kinokontrol ang financial deficit, at kinakatigan ang pagpapaunlad ng substantial economy.
Ani Li, angkop sa kalakarang pangkaunlaran ang sustenableng paglaki ng kabuhayang Tsino. Binigyan-diin niyang dapat ang paunang kondisyon pag-unlad ng kabuhayang Tsino sa hinaharap ay pagtaas ng kalidad at episensya. Aniya, dapat batay ito sa pagtitipid ng enerhiya at pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal at inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya. Tinukoy din niyang ang pagbabago at pagtaas ng lebel ng kabuhayang Tsino sa hinaharap ay magdudulot ng malaking pagkakataong komersyal para sa daigdig. Aniya:
"Sa darating na 5 taon, tinatayang aabot sa 10 trilyong dolyares ang pag-aangkat ng Tsina, lalampas sa 500 bilyong dolyares ang pagluluwas nito, at lalampas din sa 400 milyon person-time ang paglalakbay sa ibayong dagat ng mga mamamayang Tsino. Nakahanda ang Tsina na ibahagi ang pagkakataong komersyal sa daigdig, at umaasa akong magkakaloob ang iba't ibang bansa ng mas mabuting kapaligirang pangkooperasyon para sa pag-unlad ng Tsina."