Ayon sa ulat ng Shangbao.com.Ph, naapektuhan ng plaktuwasyon ng pandaigdigang pamilihang komersyal kamakailan ang malakas na paglaki ng kabuhayan ng Pilipinas. Dahil dito, ibinaba ng International Monetary Fund o IMF ang pagtaya nito sa paglaki ng kabuhayan ng Pilipinas, mula sa kasalukuyang 7% sa 6.75%.
Ito ay nangangahulugan na bumama ang paglaki ng kabuhayan ng Pilipinas sa huling hati ng taong ito. Mula noong ika-17 hanggang ika-20 ng buwang ito, bumisita ang delegasyon ng IMF sa Manila.
Ipinahayag ng IMF na kung sisimulan ng U.S. Federal Reserve ang tight monetary policy, ang malakas na paglaki ng kabuhayan ng Amerika ay makakabuti sa Pilipinas para mapanatili ang mas mabilis na paglaki ng kabuhayan kumpara sa karamihan ng mga bansa sa rehiyong Asiya-Pasipiko.
Salin:Sarah