Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Guangxi, aktibong nakikipagpalitan sa mga bansang ASEAN sa teknolohiyang agrikultural

(GMT+08:00) 2013-09-25 17:22:46       CRI

Idinaos kamakailan ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina ang espesyal na simposyum hinggil sa pakikipagpalitan at pakikipagtulungang agrikultural sa labas. Ipinalalagay ng mga kalahok na sa pamamagitan ng sariling bentahe sa yamang agrikultural, teknolohiya at heograpiya, aktibong pinapasulong ng Guangxi ang pakikipagpalitan sa mga bansang ASEAN sa mga aspektong gaya ng pagsubok na agrikultural sa ibayong dagat, pagpapalitan sa teknolohiyang agrikultural, pagsasanay ng mga talento, paggagalugad ng yamang agrikultural, kalakalan ng produktong agrikultural at iba pa, at natamo ang kapansin-pansing bunga.

Itinatag ng Guangxi ang isang pangkat ng mga demonstratibong base ng teknolohiyang agrikultural sa ASEAN. Magkakasunod na isinagawa nito ang proyekto ng demonstrasyon at pagpapalaganap ng paggamit ng bio-gas sa mga pamilya sa Kambodya, at tinulungan ang Kambodya sa pagtatatag ng bio-gas pool, pagsasanay sa teknolohiya ng renobasyon ng kubeta, kusina at iba pa. Sa Laos naman, magkasamang itinatag ng Guangxi Agricultural Vocational-Technical College at pamahalaan ng Lalawigang Champasak ng Laos ang 60 hektaryang "base ng pagsubok sa kooperasyong agrikultural ng Tsina at Laos" sa Paksong City ng Laos, at nagpasok ng isang pangkat ng mga sulong na teknolohiya, binhi at instalasyong agrikultural na hindi nakikita sa lokalidad.

Bukod dito, magkasamang naggagalugad ang Guangxi at ASEAN ng yamang agrikultural, para maisakatuparan ang kooperasyong may win-win result. Ayon sa di-kumpletong estadistika, sa kasalukuyan, mahigit 30 bahay-kalakal ng Guangxi ang nagsasagawa ng kooperasyon sa paggagalugad ng yaman sa mga bansang ASEAN, bagay na hindi lamang nakakapagpasulong sa pag-unlad ng sariling bahay-kalakal, kundi nakakapagpataas din ng kita ng mga magsasaka sa ASEAN.

Nitong nakalipas na ilang taon, sa pamamagitan ng pagtataguyod ng pagtatanghal ng mga bagong uri ng pananim at bagong teknolohiyang agrikultural, pagtatatag ng demonstratibong base ng pananim na may mataas na output, pagdaraos ng pagsasanay ng teknolohiya para sa mga bansang ASEAN at iba pang paraan, aktibong pinasulong ng Guangxi ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa ASEAN sa siyensiya't teknolohiyang agrikultural, bagay na mabisang nagpasulong sa pag-unlad ng produktong agrikultural at kalakalang agrikultural ng Guangxi.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>