Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino, nasa Jakarta (updated)

(GMT+08:00) 2013-10-02 16:17:27       CRI

Ngayong hapon, dumating ng Jakarta si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para pasimulan ang kanyang dalaw-pang-estado sa bansang ito.

Ipinaabot ni Pangulong Xi ang taos-pusong pangungusta at magandang hangarin ng mga mamamayang Tsino sa mga mamamayang Indones. Binigyang-diin niya na ang Tsina at Indonesia ay kapwa mahalaga at malaking umuunlad na bansa. Aniya pa, ang pagpapalakas ng estratehikong partnership ng dalawang bansa ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, at makakabuti rin ito sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyong ito at buong daigdig.

Sa panahon ng pagdalaw, makikipag-usap ang Pangulong Tsino kay Pangulong Susilo Bambang Yudhoyono ng Indonesia, at makikipagtagpo rin siya kay Pangalawang Pangulong Boediono, at sa puno ng parliamento. Bibigkas si Xi ng talumpati sa Pambansang Asemlea ng Indonesia para ilahad ang ideya ng Tsina sa ibayo pang pagpapasulong ng relasyong Sino-Indones at relasyong Sino-ASEAN, at ang ideya ng mapayapang pag-unlad ng Tsina.

Ipinahayag kamakailan ni Pangulong Susilo na mainit na winiwelkam ng mga mamamayang Indones ang gagawing pagdalaw ni Pangulong Xi sa Indonesia at pagdalo sa Ika-21 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na gaganapin sa Bali Island.

Nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang estratehikong partnership ng Tsina at Indonsia, at walang humpay na sumusulong ang kanilang kooperasyon sa iba't-ibang larangan. Noong isang taon, umakyat sa mahigit 66 bilyong dolyares ang halaga ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa. Ang Tsina ngayon ay ika-2 pinakamalaking trade partner ng Indonesia.

Bukod sa Indonesia, dadalawin din ng Pangulong Tsino ang Malaysia.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>