NAKATAKDANG magsalita si Pope Francis sa mga Pilipino sa isang pagpupulong sa Maynila sa pagsusulong sa simbahan na magkaroon ng iba't ibang paraan para sa bagong ebangelisasyon.
Sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle na ang santo papa ay makikita sa kanyang mensahe sa closing Mass ng Philippine Conference on New Evangelization sa ika-18 ng Oktubre.
Hindi pa mabatid kung ito ay sa pamamagitan ng live stream mula sa Vatican o sa pamamagitan ng recording.
Magpapadala siya ng mensahe at nagpapakita ito ng siya'y interesado. Unang binanggit ni Cardinal Tagle na nagmamasid ang Vatican sa mga Pilipino sa kumperensyang magsisimula sa ika-16 ng Oktubre sa University of Sto. Tomas.