Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Republikano, pinakli ang pagbatikos ni Obama

(GMT+08:00) 2013-10-05 14:50:16       CRI

Kahapon (oras ng Amerika) ay ika-apat na araw ng pagsara ng Pamahalaang Amerikano. Patuloy pa rin ang deadlock na pulitikal sa pagitan ng mga Republikano at Demokrata.

Binatikos kamakalawa ni Pangulong Barack Obama ang mga Republikano sa pagtutol sa healthcare program niya. Ito aniya ang dahilan ng pagsara ng Pamahalaan. Pinakli naman kahapon ni John A. Boehner, Ispiker ng Mababang Kapulungan ang pagbatikos ni Obama. Binigyang-diin ni Boehner na hindi laro ang pagsara ng Pamahalaan at ang siyang tanging kahilingan ng mga Republikano ay ang pag-uusap ng dalawang Partido para malutas ang krisis.

Ayon sa opiniyong publiko, ang pahayag ni Boehner ay nagpapakitang hindi nagbabago ang paninindigan ng mga Republikano at maaaring pagsamahin ang isyu ng government budget at healthcare program ni Obama.

Ayon sa ulat kamakalawa ng Kagawaran ng Tesorerya ng Amerika, kung patuloy na ipagpapaliban ang paglutas sa isyu ng debt ceiling, magdudulot ito ng makapipinsalang resulta sa kabuhayan hindi lamang ng Amerika kundi maging ng buong mundo.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>