Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Premyer Li, nagbigay ng nakasulat na panayam sa mga media ng ASEAN

(GMT+08:00) 2013-10-09 09:25:19       CRI

Bago ang kanyang pagdalaw sa Brunei, Thailand, at Vietnam; at pagdalo sa serye ng mga pulong ng Silangang Asya na gaganapin ngayong araw, kinapanayam kahapon si Premyer Li Keqiang ng Tsina ng mga media ng ASEAN.

Kaugnay ng relasyong Sino-ASEAN, sinabi ng Premyer Tsino na nitong sampung taong nakalipas, sapul nang itatag ang estratehikong partnership ang Tsina at ASEAN, ang Tsina ay ang pinakamalaking partner na pangkalakalan ng ASEAN, at ang ASEAN naman ay ang ikatlong pinakamalaking partner na pangkalakalan ng Tsina. Aniya pa, humihigpit din ang pagpapalitang pantao at pangkultura ng dalawang panig.

Masasabi aniyang "ginintuang dekada" o "golden decade" ang nakaraang sampung taon para sa pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN; at batay rito, dapat maghanap ang Tsina't ASEAN ng bagong estratehikong breakthrough at magkasamang itatag ang mas mahigpit na komunidad ng Tsina't ASEAN na may komong tadhana.

Sa susunod na sampung taon, dapat pasulungin ng dalawang panig ang kooperasyon sa bagong antas para makinabang dito ang mga mamamayan ng rehiyon, dagdag pa ng Premyer Tsino.

Kaugnay ng pagtutulungang panrehiyon ng Silangang Asya at mga patakarang pangkapitbansa ng kasalukuyang liderato ng Tsina, binigyang-diin ni Li na bilang isang miyembro ng pamilya ng Asya, mahigpit ang ugnayan ng mga tadhana ng Tsina at mga bansang Asyano.

Aniya, ang pag-unlad ng Tsina ay nangangailangan ng mapayapa't matatag na kapaligiran, at ang ASEAN ay priyoridad ng mga diplomatikong patakarang pangkapitbansa ng Tsina.

Sinabi ni Li, na buong-tatag na kinakatigan ng Tsina ang paglakas ng ASEAN at ang namumunong papel ng ASEAN sa pagtutulungan ng Silangang Asya.

Kaugnay naman ng direksyon ng kooperasyon ng Silangang Asya, niliwanag ni Premyer Li na naninindigan ang Tsina sa "diwa ng pagtutulungan ng Silangang Asya," na nagtatampok sa namumunong papel ng ASEAN, pagsasanggunian, pagpapahalaga ng mga malasakit at interes ng lahat ng mga may-kinalamang panig, pagbubukas at pagiging inklusibo.

Kaugnay ng isyu ng South China Sea, ipinagdiinan ni Premyer Li na hinding-hindi magbabago ang determinasyon ng Pamahalaang Tsino sa landas ng mapayapang pag-unlad, at sa pangangalaga sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa.

Batay rito, walang-humpay aniyang nakikipagdiyalogo ang Tsina sa mga may-kinalamang bansa para hanapin ang mabisang paraan ng pangangalaga ng katatagang panrehiyon.

Noong 2002, nilagdaan ng Tsina at mga bansang ASEAN ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC). Ito ang pundamental na dokumento para sa pagpapanatili ng katatagan ng South China Sea. Dapat aniyang buong-higpit na sundin ng mga may-kinalamang bansa ang DOC. Dagdag pa ng Premyer Tsino, dapat ding patuloy na magdiyalogo at magtulungan ang Tsina at mga bansang ASEAN para totohanang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
likeqiang
v Biyahe ni Premyer Li 2013-10-03 15:58:13
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>