Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyong Sino-ASEAN, dapat ibayo pang palalimin

(GMT+08:00) 2013-10-10 09:09:49       CRI

Idinaos kahapon sa Bandar Seri-Begawan, Brunei, ang ika-16 na Summit ng Tsina at ASEAN(10+1). Dumalo sa pulong si Premyer Li Keqiang ng Tsina, kasama ng mga lider ng 10 bansa ng ASEAN. Nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok hinggil sa pagpapapalim ng relasyon ng Tsina at ASEAN, at pagpapasulong ng kanilang kooeprasyon sa hinaharap. Malawak na pagkakasundo ang narating sa pulong hinggil dito.

Sa kanyang talumpati sa pulong, sinariwa ng Premyer Tsino ang pag-unlad ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, nitong sampung taong nakararaan. Iniharap din ni Li ang mungkahi tungkol sa kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa susunod na sampung taon. Binigyang-diin niya na umaasa ang Tsina na palalakasin ang estratehikong pagtitiwalaan ng dalawang panig, at palalalimin ang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, para maisakatuparan ang magkasamang pag-unlad.

Katanggap-tanggap naman para sa mga lider ng ASEAN ang pahayag ng lider Tsino. Ipinahayag din nilang magsisikap sila, kasama ng Tsina para lumikha ng mas magandang kapaligiran sa pagpapaunlad ng relasyon sa pagitan ng Tsina at ASEAN, sa darating na sampung taon.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>