Idinaos kahapon sa Bandar Seri Begawan, Brunei, ang ika-23 ASEAN Summit. Sa pahayag na ipinalabas pagkatapos ng summit, inulit ng mga lider ng mga bansang ASEAN ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapayapaan, katatagan, at katiwasayan ng South China Sea.
Anang pahayag, susundin ng mga bansang ASEAN ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, 6 na prinsipyo ng ASEAN hinggil sa isyu ng South China Sea, at magkasanib na pahayag ng Tsina at ASEAN na ipinalabas sa summit bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng paglalagda ng nabanggit na deklarasyon. Ipinangako rin nilang mapayapang lulutasin ang mga hidwaan sa South China Sea, at hindi gagamitin ang dahas sa isyung ito.
Ayon pa rin sa pahayag, umaasa ang ASEAN na palalakasin ang pakikipagsanggunian sa Tsina hinggil sa pagtatakda ng Code of Conduct in the South China Sea.
Salin: Liu Kai