Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

ASEAN plus 3 Summit, idinaos

(GMT+08:00) 2013-10-10 11:11:05       CRI
Idinaos kaninang umaga sa Bandar Seri Begawan, Brunei, ang ika-16 na Summit ng ASEAN, Tsina, Hapon, at Timog Korea (ASEAN plus 3). Lumahok sa pulong ang mga lider ng naturang mga bansa.

Sa kanyang talumpati sa summit, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na matagumpay ang kooperasyon ng 10 plus 3, dahil mahalaga ang papel nito sa katatagang pangkabuhayan ng rehiyong ito. Malaki rin aniya ang ambag nito sa paglaki ng kabuhayan ng Silangang Asya at maging buong daigdig.

Sinabi rin ni Li, na nitong mga taong nakalipas, ang pagtatamo ng Silangang Asya ng malaking pag-unlad ay dahil sa kawalan ng digmaan o kaguluhan. Dagdag niya, ito ang nakakapagbigay-pokus sa pag-unlad ng mga bansa ng rehiyon. Aniya, dapat pangalagaan ng iba't ibang bansa ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito, at ipauna ang pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Ito ay para maipagpatuloy ang malusog na pag-unlad ng kooperasyon ng Silangang Asya, ani Li.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>