Ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang gagawing ika-22 Di-Pormal na Pulong ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation(APEC) sa Beijing, sa taong 2014. Ibat-ibang preparasyon para rito ang isinasagawa na sa kasalukuyan, sabi niya.
Dagdag ni Hua, inaasahang mapapalalim ng APEC ang kooperasyon ng ibat-ibang bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko, maitatatag ang mas mahigpit na partnership, at magkasamang babalangkasin ang long-term regional landscape.