Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-16 na Pulong ng mga Lider ng Tsina at ASEAN, idinaos

(GMT+08:00) 2013-10-10 18:02:00       CRI
Lumahok si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Ika-16 na Pulong ng mga Lider ng Tsina at ASEAN na idinaos kahapon ng hapon sa Bandar Seri Begawan, Brunei. Iniharap niya rito ang "2+7" cooperative framework ng Tsina at ASEAN para sa hinaharap. Tinukoy ni Li na ang pagkakaibigan sa kapitbansa ay matagumpay na karanasan ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN, kaya dapat buong tatag na samantalhin ito ng dalawang panig at walang humpay na palawakin at palakasin ang kanilang komong interes, para mahatdan ng benebisyo ang mga mamamayan ng iba't ibang bansa.

Ang taong ito ay ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN. Bago nagsimula ang naturang pulong, magkakasamang lumahok si Premiyer Li at ang mga lider ng mga bansang ASEAN sa seremoniya bilang pagdiriwang sa "Golden Decade" ng Tsina at ASEAN nitong nagdaang 10 taon. Sa pagsariwa sa karanasan ng pag-unlad ng Tsina at ASEAN nitong nakaraang 10 taon, ipinahayag ni Li na ang pagtitiwalaan ay susi ng pagtatamo ng maraming bunga ng kooperasyon ng dalawang panig.

Hinggil naman sa kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa hinaharap, iniharap ni Premiyer Li ang "2+7" cooperative framework na maraming nilalaman. Sinabi ni Li na dapat ibayo pang palakasin ng Tsina at ASEAN ang dalawang komong palagay: Una, ang susi ng pagpapasulong ng kooperasyon ng dalawang panig ay pagpapalalim ng estrartehikong pagtitiwalaan at pagpapalawak ng pakikipagkaibigan sa mga kapitbansa; ikalawa, ang susi ng pagpapalalim ng kooperasyon ay pagpapa-unlad ng kabuhayan at pagpapalawak ng win-win situation na may mutuwal na kapakinabangan.

Ang "7" ng naturang cooperative framework na iniharap ni Premiyer Li ay tumutukoy sa kooperasyon sa pitong larangan. Ibig sabihin, pagtalakay ng kooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN sa pangkapitbansaang pagkakaibigan at pagtutulungan, pag-a-update ng China ASEAN Free Trade Area, pagpapabilis ng konstruksyon ng mga imprastruktura para sa connectivity, pagpapalakas ng kooperasyong pinansyal ng rehiyong ito, pagpapasulong ng kooperasyong pandagat, pagpapalakas ng pagpapalitan at pagtutulungan sa larangan ng seguridad, at pagpapahigpit ng kooperasyon sa kultura, siyensiya, teknolohiya, at iba pa.

Kaugnay naman ng isyu ng South China Sea, ipinahayag ni Li na malaya ang nabigasyon sa South China Sea. Nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng iba't ibang bansa sa rehiyong ito, para mapangalagaan ang kalayaan at seguridad sa South China Sea.

Mataas na pinahahalagahan ng mga lider ng mga bansang ASEAN ang mungkahi ni Premiyer Li. Sinabi ni Haji Hassanal Bolkiah, Sultan ng Brunei, na sa hinaharap, dapat magkakasamang magsikap ang Tsina at ASEAN para walang humpay na mapataas ang lebel ng kooperasyon ng malayang sonang pangkalakalan, at mapangalagaan ang kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyong ito.

Sa pulong nang araw rin iyon, ipinalabas rin ang "Magkasanib na Pahayag Bilang Paggunita sa Ika-10 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Estratehikong Partnership ng Tsina at ASEAN".

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>