Sa kanyang katatapos na paglahok sa serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asya, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang kanyang paninidigan hinggil sa tumpak na paglutas sa isyu ng South China Sea. Nakatawag ito ng pansin ng iba't ibang panig.
Ipinahayag ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia ang pagkatig ng kanyang bansa sa mungkahi ng panig Tsino na pasulungin ng mga bansang may direktang kinamalan ang magkakasamang paggagalugad sa South China Sea.
Ipinahayag naman ni Hassanal Bolkiah, Sultan ng Brunei na buong-tatag na isinusulong ang pagtatalastasan ng Tsina't ASEAN hinggil sa isyu ng South China Sea. Ito aniy ay nagpapakitang magkasamang nagsisikap ang dalawang panig para mapanatili ang katatagan at kapayapaan ng rehiyon.
Ayon sa komentaryo ng Brunei Times, tinawag ni Premyer Li ang South China Sea na "dagat ng kapayapaan, pagkakaibigan at pagtutulungan" at makakatulong ito sa pagpapataas sa bagong antaas ng kabuhayan ng rehiyon. Salamat sa inulit na paninindigan ng Tsina, nananalig ang mga bansang ASEAN na malaya ang paglalayag sa South China Sea at matitiyak ang kaligtasan sa dagat na ito.
Salin: Jade