![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Sa kasalukuyang daigdig, ang kakulangan sa pagkaing-butil ay nananatiling mahigpit na problema na kinakaharap ng mga bansa. Isinalaysay ni Huang Ansheng, Puno ng Tanggapan ng United Nations World Food Program sa Tsina, na ayon sa estadistika ng UN, sa kasalukuyan, kapos sa pagkaing-butil ang mga 842 milyong populasyon sa buong daigdig.
Sa harap ng katotohanang ito, ipinahayag ni Niu Dun, Pangalawang Ministro ng Agrikultura ng Tsina na kung malulutas ang isuy ng seguridad sa pagkaing-butil ng karamihan ng mga umuunlad na bansa, saka lamang totohanang malulutas ang isyung ito ng buong daigdig. Sinabi niyang, ang paglutas sa isyu ng seguridad sa pagkaing-butil ay hindi dapat nababatay sa mga maunlad na bansa lang, dapat walang humpay na pataasin ang komprehensibong kakayahan sa produksiyon ng mga umuunlad na bansa.
Isinalaysay ni Niu na sa mula't mula pa'y, pinahahalagahan ng Tsina ang pakikipagkooperasyong pangteknolohiya sa mga umuunlad na bansa para mapabuti ang lebel ng pagpoprodyuse nila ng pagkaing-butil. Bukod sa pagpapadala ng mga talentong agrikultural at pagkakaloob ng bagong teknolohiya, nag-abuloy ang Tsina sa UNWFP taun-taon. Ayon sa salaysay ng namamahalang tauhan ng Tanggapan ng UNWFP sa Tsina, nitong 8 taong nakalipas, nag-aabuloy din ang pamahalaan ng Tsina ang mahigit 50 milyong dolyares.
Mataas na pinahahalagahan ng kinauukulang namamahalang tauhan ng UN Food and Agriculture Organization ang mga gawain ng Pamahalaang Tsino sa larangang ito. Sinabi niyang mabisang napahupa ng Tsina sa pagsusustento nito ng pagkaing-butil ang presyur ng pandaigdigang pamilihan ng pagkaing-butil. Bukod dito, bilang ikalawang malaking economy ng daigdig at pinakamalaking umuunld na bansa, nagpapatingkad ang Tsina ng mahalagang papel sa larangan ng pagtulong sa ibang bansa na isakatuparan ang seguridad sa pagkaing-butil
Ayon sa Millennium Development Goals, MDG, sa 2015, babawasan ang bilang ng mahirap at gutom na populasyon ng buong daigdig sa kalahati ng bilang nito noong 1990. Ang pagsasakatuparan ng naturang target ay nangangailangan ng walang humpay na pagsisikap ng iba't ibang bansa ng daigdig.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |