Patuloy na lumalala ang kaguluhang dinulot ng pagkuha ng Amerika ng rekord ng tawag sa telepono. Kahapon, ipinahayag ng Alemanya ang pagkondena sa Estados Unidos (E.U.).
Sa isang pahayag, sinabi kahapon ni Steffen Seibert, Tagapagsalita ng Pamahalaang Aleman na nakuha nila ang impormasyon na nagpapatunay sa posibleng pang-eespiya ng National Intelligence Agency ng E.U. kay Chancellor Angela Merkel at inusisa na ng Alemanya ang panig Amerikano at hiniling sa kanila na agarang magbigay ng ganap na paliwanag sa pangyayaring ito.
At sa isang regular na preskong idinaos nang araw ring iyon, ipinahayag ni Jay Carney, Tagapagsalita ng White House na sa kanyang pakikipag-usap kay Angela Merkel, naigarantiya na ni Pangulong Barack Obama na hindi pinakikinggan at dir in pakikinggan sa hinaharap ng E.U. ang tawag sa telepono Chancellor at sumang-ayon pa ang dalawang lider na ibayo pang palalimin ang pagtutulungan sa pagitan ng kanilang mga intelligence agency. Pero, hindi nabanggit ni Obama kung lihim na napakinggan ng NSA ang cell phone ni Merkel minsan.
Hindi ito ang kauna-unahang pagkondena na tinanggap ni Obama sa linggong ito, nauna rito, ang mga pamahalaan ng Pransya, Italya, Mexcio at iba pang bansa ang magkakasunod na humiling sa panig Amerikano na gumawa ng paliwanag tungkol sa isyu ng pagkuha ng rekord ng tawag sa telepono ng mga mamamayan nila.