![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Sa taong ito, patuloy na isinasagawa ang isang serye ng mga hakbangin ng repormang pangkabuhayan. Mula noong unang araw ng Agosto, hindi maniningil ng buwis mula sa mga maliliit na bahay-kalakal na ang kabuuang kita ay hindi pa umaabot sa 20 libong yuan RMB bawat buwan. Sinimulan din kamakailan ang operasyon ng Shanghai Free Trade Zone, unang malayang sonang pangkalakalan ng Tsina.
Sinabi ni Wang Zhongming, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng All-China Federation of Industry and Commerce (ACFIC) na positibong pinahahalagahan ng opinyong publiko ang nasabing mga hakbangin sa repormang pangkabuhayan; pero, inaasahan din nilang ibayo pang mapapalalim ang reporma sa pinansya at buwis, mapapalawak ang pamumuhunang di-pampamahalaan, at maitatatag ang mga pribadong bangko, nang sa gayo'y, madagdagan ang bitaliti ng kabuhayang Tsino.
Sa susunod na 20 hanggang 30 taon, ang pinakamalaking pangangailangang panloob ay magmumula sa bagong urbanisasyon. Upang maiwasan ang mga kawalan sa proseso ng dating urbanisasyon, dapat mapasulong ang repormang panlipunan at masira ang limitasyon sa prinsipyo ng lupa, household registeration at buwis.
At sa reporma ng pamahalaan, ipinalalagay ng opinyong publiko na dapat ipagpasalamat ito sa isinasagawang reporma para mapadali ang proseso ng pagsusuri at paggagawad ng pamahalaan, mapabuti ang administrasyon ng pamahalaan at mabawasan ang korupsyon.
Ipinalalagay ng mga dalubhasa na ang reporma ng Tsina ay pumasok na sa isang masusing panahon. Upang malabanan ang mga kahirapan, kailangan ng ibayong tapang ng loob at talino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |