Nang kapanayamin kamakailan ng China News Agency, sinabi ni Joseph Estrada, Alkalde ng Maynila at dating Pangulo ng Pilipinas, na ang hidwaan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa South China Sea ay dapat lutasin ng dalawang bansa sa mapagkaibigang paraan sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian. Aniya, dapat ipagpatuloy ng dalawang bansa ang talastasan at pagsasanggunian, hanggang magkaroon ng komong palagay.
Ipinalalagay din ni Estrada na ang "magkakasamang paggagalugad" ay isang magandang pili. Dagdag pa niya, noong kanyang termino bilang pangulo, ang nabanggit na isyu ay hindi isang isyu sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.
Salin: Liu Kai