"Nagsisikap ang Taiwan para gumawa ng mahalagang papel sa proseso ng internasyonalisasyon ng salaping Tsino, RMB."Ito ang ipinahayag kahapon ni Cai Mingzhong, kilalang mangangalakal ng Taiwan, sa 2013 Zijinshan Summit, sa Nanjing.
Sinabi ni Cai na ang pagsasakatuparan ng internasyonalisasyon ng RMB ay hindi lamang nagpapakita ng malakas na puwersang pangkabuhayan ng Tsina, kundi ito rin ay magdudulot ng kapakinabangan sa mga bahay-kalakal ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits.
Ayon sa ulat, kasalukuyang nagsisikap ang mga kalunsuran at rehiyon ng daigdig para maging RMB trade center, na gaya ng Taipei, Hong Kong, London, at Singapore City.