Sa isang pahayag na ipinalabas kahapon ni dating Punong Ministro Thaksin Shinawatra ng Thailand, sinabi nitong hindi dapat baluktutin ng kanyang mga katunggali ang amnesty bill. Sinabi ni Thaksin na bilang dating Punong Ministro ng Thailand, iginagalang niya ang pagkakaiba ng palagay ng mga kababayan sa usaping ito, pero hindi niya matatanggap ang paninirang-puri bilang tugon sa naturang panukalang batas, sa kanya mismo, at kanyang pamilya.
Ipinahayag naman ni Punong Ministro Yingluck Shinawatra na anuman ang kalabasan ng talakayan sa mataas na kapulungan hinggil sa amnesty bill, tatanggapin ito ng pamahalaan.
Ayon sa ulat, muling idaraos bukas ang pulong ng Mataas na Kapulungan ng Thailand para suriin ang naturang panukalang batas.