Kasalukuyang sinasalanta ng malakas na bagyong 'Yolanda' ang dakong gitna ng Pilipinas at nagdulot ito ng grabeng pinsala doon. Sinabi ngayong araw ng panig pulisya ng probinsyang Leyte, grabeng apektadong lugar ng bansa, tinatayang mahigit 10 libo katao ang nasawi na sa bagyong ito.
Ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), dahil sa pagkaputol ng telekomunikasyon sa mga grabeng nabiktimang lugar at iba pang dahilan, napakahirap para sa mga departamento ng pamahalaan tantiyahin ang kalagayan ng kalamidad. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa naisasapinal ang komprehensibong datos tungkol sa kalagayan ng kalamidad. Kasabay ng pagbuti ng panahon, posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nahahanap na kasuwalti at kapinsalaang pinansiyal sa iba't-ibang lugar ng bansa.
Salin: Li Feng