Sa Geneva — Natapos dito kaninang madaling araw (local time) ang 3 araw na bagong round ng diyalogo hinggil sa isyung nuklear ng Iran. Bagama't naging konstruktibo ang diyalogong ito, hindi nagkasundo ang iba't-ibang kalahok na panig. Sa kabilang dako, sumang-ayon naman sila na patuloy na idaos ang pagsasanggunian sa Geneva sa ika-20 ng buwang ito.
Sinabi ng kinatawang Iranyo, na umiiral ang "pagkakaiba" sa pagitan ng 6 na bansa, ngunit puspusang nagsisikap ang iba't-ibang panig para malutas ito. Ipinahayag pa niya ang pag-asang mararating ang kasunduan sa susunod na diyalogo.
Salin: Li Feng